by Paolo Mendoza, Romblon News | Wednesday, 20 January 2016
Patuloy na inaalam ng mga awtoridad sa Banton Island kung gaano kalaki ang naging pinsala nang nangyaring forest fire sa kanilang lugar nitong Martes ng hapon.
Ayon kay Banton Municipal Police Station Chief – Police Inspector Edwin Bautista, nangyari ang sunog pasado alas-4 ng hapon sa bulubunduking bahagi ng Barangay Toctoc, Banton, Romblon.
Agad namang naapula ang apoy dahil sa maagap na pag responde ng Philippine Army, Bureau of Fire Protection, Barangay Officials at ilang volunters.
“Ang sinasabing sanhi ay ang init ng panahon. Naagrevate pa dahil sa tuyong mga dahon at mga tumbang punong niyog sanhi ng nakaraang bagyong Nona” pahayag ni Banton MPS Chief – Police Inspector Edwin Bautista sa Romblon News.
Wala namang nasaktang residente at nasunog na mga kabahayan sa lugar dahil sa aksidente.