by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Thursday, 14 January 2016
Aabot sa 360 senior citizens na residente ng Magdiwang ang nabigyan na ng pension ng Department of Social Welfare and Development-MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) ngayong araw.
Ang mga nasabing senior citizen ay nakakatangap ng P500.00 pension kada-buwan mula sa Social Pension (SocPen) Program ng DSWD-MIMAROPA.
Ayon sa DSWD-MIMAROPA, aabot sa P1.08 Million ang kanilang inilabas para maibigay na ang pension sa 3rd quarter at 4th quarter ng 2015.
Malaking tulong ang SocPen Program ng DSWD lalo na sa mga 65 taong gulang pataas na senior citizen na nahihirapan maghanap buhay dahil sa sakit o di kaya ay may deperensya na sa katawan. Ang nasabing programa rin ay para lamang sa mga senior citizen na hindi nakakatanggap ng pension mula sa SSS, GSIS o Veterans Pension.