by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Thursday, 14 January 2016
Lapimpitong (17) mag-aaral sa elementarya mula sa Romblon ang nakapasa sa isinagawang qualifying scholarship examination ng Philippine Science High School (PSHS) noong nakaraang taon.
Batay sa inilabas na resulta kamakailan ng PSHS, ang mga pumasa mula sa lalawigan ng Romblon ay sina Grefer Jane M. Asinas, Roshelle P. Bunao, Jerick John G. Cezar, Attilah Karim A. Dacayan, Paula Sheen Mon M. Faigao, Carmela Gwen M. Falcunitin, Kim Isiah M. Falogme, Clarence Jay M. Fetalino, Edsyl John DC. Fos, Mc Allen G. Fradejas, Mark Joseph V. Francisco, Ma. Krianne Chea F. Gacula, Jons Stephen F. Hije, Aaron M. Magayam, Sean David E. Magbanua, Lester M. Mandingiado at Keith Jaspher F. Mazo.
Ang mga batang ito ay mapapabilang sa unang batch na papasok sa Regional Campus ng Philippine Science High School na magbubukas sa darating na School Year.
Matatandaan na inapbrubahan ng pamunuan ng PSHS ang bid ng Romblon provincial government na magpatayo ng regional campus nito sa Bgy. Rizal, Odiongan, Romblon upang mmas marami pang matatalinong kabataan sa Romblon ang mahikayat na mag-aral dito.
Ayon kay Raul M. Marin, OIC – Office of the Schools Division Superintendent, makakatulong din ito sa iba pang mga pumasang mag-aaral mula sa MiMaRoPa o mga karatig lalawigan dahil mas malapit na ang paaralang papasukan ng mga ito.
Ipinababatid ng DOST – Provincial Science and Technology Center (PSTC) Romblon sa magulang ng mga qualifiers, na agad makipag-ugnayan sa tanggapan ng Executive Director ng PSHS upang malaman ang proseso ng pagpapa-enroll sa naturang eskwelahan. Maari ding tumawag sa numerong (02) 9265701 / 9240639 o kaya ay bisitahin ang mga website na ito: www.pshs.edu.ph / www.dost.gov.ph