by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Sunday, 06 November 2015
Pinangunahan ni Secretary Mel Sarmiento ang isinagawang turnover ceremony sa bayan ng Odiongan para sa mga bagong patrol cars sa mga munisipyo nitong Biyernes, December 04.
Ayon sa Romblon Provincial Police Office, umabot ng 17 patrol cars ang kanilang natanggap mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) at ito ay ipapamahagi sa mga Municipal Police Office upang may magamit sa kanilang pagpapatrol at pagresponde sa mga krimen sa kanilang lugar.
Ayon pa sa PNP, mahalaga ang mga patrol cars lalo na sa tuwing may kailangang respondehan.
Mainit naman na sinalubong si Secretary Sarmineto ni Congressman Eleandro Madrona at ni Romblon PPO Director PSSupt. Juan Annonuevo. kasama ang ilang mga Mayor ng mga bayan ng sa Romblon na makakatangap ng mga bagong patrol cars kasama na rito ang mga mayor ng Simara, San Fernando, Odiongan, Cajidiocan, at San Agustin.
Hindi naman ikinatuwa ng ilang mga netizens kung bakit ngayon lamang ipinagkaloob ang mga nasabing patrol cars na dapat ay matagal ng ibinibigay sa mga munisipyo at mga PNP station sa buong bansa.
Ayon sa kanila, baka magamit ang nasabing mga bagong patrol cars sa pangangampanya ng ilang mga politiko na sasabak sa 2016 National at Local Election.
Ikinatuwa naman ng iba ang pagkakaroon ng bagong patrol cars, ayon kay Mark Caunca, ang mga bagong patrol cars ay para sa seguridad, kapayapaan at kaunalran ng probinsya kaya dapat tanggapin at huwag magamit sa election kundi sundin kung sino ang nsinasabi ng inyong mga konsensya.