by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Friday, 11 December 2015
Inilunsad kahapon ng Department of Health (DOH) – MIMAROPA (Oriental/Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) ang isa sa kanilang pinakamalakingprograma para sa mga senior citizen na tinatawag na “Senior Citizen’s Fair” sa Provincial Capitol ng Boac, Marinduque.
Ang nasabing programa ay paraan upang mabigyan ng parangal at ma highlight ang mga naibigay na contribution ng mga senior citizens sa development ng bansa.
Ayon kay Regional Director Eduardo Janairo sa kanyang mensahe, ang nasabing programa ay gaganapin sa limang probinsya ng MIMAROPA para ma promote ang mga aktibidad, proyekto, at mga serbisyo para sa mga nangangailangan na senior citizens lalo na sa mga may kapansanan at isa na ring paraan upang mabigyan ng kamalayan ang publiko sa mga kailangan ng mga matatanda upang maiwasan ang pang-aabuso sa kanila.
“We will be underlining their role in the community and give recognition to their capabilities and also provide social welfare, both curative and preventive interventions to reduce the risk associated with ageing,” pahayag ni Janairo.
Ang Senior Citizen’s Health Fair ay inisyatibo ng DOH-MIMAROPA bilang suporta sa Republic Act 9994 o mas kilala na “Expanded Senior Act of 2010” na tumutugon sa pangangailangan at benepisyo ng mga Filipino Senior Citizens.
Ayon pa kay Janairo, magkakaroon rin ng iba pang aktibidad sa fair na makakatulong sa mga Senior Citizens katulad nalang ng Ballroom Dancing and Group Line Dancing at Selection of Kisig at Gandang Walang Kupas Pageant kung saan buikas para sa 60 years old and above na bona fide na residente ng Marinduque.
“We are working to inspire, motivate and encourage senior citizens to continue their effort in guiding younger generations into productive endeavors through active participation in the community. This is the age where they are at the prime of their life and very competent to render expertise and skills. We must gain the most out of their life’s experience and leadership and use it to further contribute for the advancement of our society,” pagtatapos ni Janairo.