by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Sunday, 13 December 2015
Nakahanda na umano ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa maaring maging epekto ng bagyong #NonaPH sa lalawigan ng Romblon sa kaniyang paglapit sa lalawigan.
Inaasahang lalapit ang sentro ng bagyo ng halos 65km hilaga ng Romblon, Romblon sa darating na Martes kung hindi magbabago ang track na inilabas ng PAGASA.
Ayon kay Engineer Tony Sarsona ng Romblon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Biyernes pa sila nakabili ng mga pagkain na ilalagay sa mga food packs bilang paghahanda na rin sa bagyo. Nakipag coordinate na rin umano sila sa Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, Hospitals, at mga volunteers.
Sinabi rin niya ni Engr. Sarsona na inabisuhan niya na rin ang mga miyembro ng Municipal Risk Reduction ang Management Council sa mga bayan sa Romblon na maghanda sa paglapit ng bagyo at mag monitor sa weather updates sa maaring pagbabago sa ruta nito.
Naka-activate na rin umano ang Operation Center ng PDRRM sa Kapitol Building sa bayan ng Romblon, Romblon.