by Weng Yolape, Romblon News | Monday, 14 December 2015
Ramdam na ramdam na sa lalawigan ng Romblon ang pagbuhos ng ulan at pagihip ng malalakas na hangin na sanhi ng bagyong Nona.
Nakakaranas na rin ng total blackout ang buong probinsya ng Romblon matapos pansamantalang putulin ang supply ng kuryente dahil sa malalakas na hangin.
Ayon sa pamunuan ng Romblon Electric Cooperative, Inc. (ROMELCO) at Tablas Island Electric Cooperative, Inc. (TIELCO), ibabalik nila ang kuryente kapag gumanda na ang panahon sa mga Isla na kanilang sinserbesyohan.
Batay naman sa taya ng Office of the Civil Defence Region 4B, aabot na ng 121 na pamilya o 375 katao ang inilikas sa mga bayan ng Magdiwang, Sta. Fe at San Fernando.