by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Monday, 14 December 2015
Lalo pang lumakas ang bagyong ‘Nona’ na huling namataan 310 kilometro silangan ng Catarman, Northern Samar.
Taglay nito ang lakas na 150 kilometro kada oras (kph) malapit sa gitna at pabugso-bugsong lakas ng hangin na 185 kilometro kada oras (kph).
Inaasahang tatama ito sa kalupaan bukas ng hapon, at lalabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Biyernes.
Samantala, patuloy na inaasahang makakaapekto ang bagyo sa lalawigan ng Romblon dahil sa kanyang ruta kaya itnaas sa probinsya ang Public Storm Warning Signal #2 kasam ang mga lugar ng Masbate, kasama ang Burias Island, Camarines Sur, Camarines Norte, Southern Quezon, Leyte at Biliran. Signal Number 1 naman sa Marinduque, Orinetal MIndoro at mga bahagi ng Quezon, Southern Leyte, Northern Cebu, pati na Bantayan at Camotes Island, Aklan, Capiz, Negros Occidental, Dinagat province, Siargao Island. Signal Number 3 naman sa mga lugar ng Catanduanes, Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Sorsogon, at Ticao Island.
Sinuspinde na rin ang klase mula pre-school hanggang high school sa buong lalawigan ng Romblon base sa Executive Order 66 ng Department of Education.
Makararanas ng maulan na panahon ang Samar provinces, Sorsogon, Albay, Catanduanes at Ticao Island. Minsanan at pabugso-bugsong hangin naman ang mararanasan sa southern Quezon, Marinduque, Romblon, Biliran, Leyte, southern Leyte, northern Cebu, Dinagat province at mga isla ng Camotes at Siargao.