by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Monday, 28 December 2015
Nagsimula nang mag inspeksyon sa mga tindahan ng paputok sa bayan ng Odiongan sa Romblon ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection bilang paghahanda na rin sa pagsalubong sa pagpalit ng taon.
Ininspeksyon ng BFP kasama ang mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station ang iba’t ibang klaseng paputok na ibibebenta at tiningnan rin ang mga stocks nila kung may itinatatagong bawal na paputok.
Naglaan naman ang BFP ng lugar sa nasabing bayan kung saan lamang pwede mag benta ng paputok at mahigpit na ipinagbabawal ang pag testing ng mga ito sa mismong pwesto.
Wala namang nakitang ipinagbabawal na paputok ang BFP na itinitinda sa mga pwesto katulad ng piccolo, pla-pla, at iba pang malalakas na paputok.
Hindi naman nakaligtas sa mga tauhan ng BFP ang ilang fire extinguisher na wala nang pressure at wala nang laman.
Patok naman sa ilang mga kabataan ang aldub inspire na torotot. Ang mga nasabing torotot ay mabibili sa halagang P10 at may kasama itong maskara na mukha ni Alden at Maine.