by Paul Jaysent Fos and Dennis Evora, Romblon News | Tuesday, 15 December 2015
Mahigit 200 bahay ang sinira ni bagyong Nona sa bayan ng Concepcion, Sibale Island, Romblon dahil sa malalakas na hangin ayon sa initial na taya ng MDRRMO Concepcion. Sa Barangay Bachawan, halos lahat ng bahay sa barangay ay nasira dahil sa bagyo.
Hanggang ngayon wala paring power supply sa Isla dahil sa mga nasirang linya ng kuryente sa lugar. Ayon naman sa Romblon Electric Cooperative Inc. susubukan nilang maibalik sa normal ang linya ng mga kuryente sa isla bago sumapit ang pasko.
Ayon naman sa Provincial Social Welfare and Development Office ng Romblon, nakikipag ugnayan na sila sa MSWDO Concepcion sa maaring tulong na maibigay nila sa Isla at kung paano ito maibabyahe patungo sa lugar dahil sa ngayon ay mahigpit paring ipinagbabawal na bumiyahe ang mga bangka sa lalawigan.
Inaalam na rin ng Municipal Risk Reduction and Management Council ng Concepcion kung ilan ang pinsala sa lalawigan.
Wala namang naitalang nasawi sa lugar sa pananalasa ni Nona.
Pinag-iisapan na rin ng local government ang maaring pagtaas ng State of Calamity sa bayan. Inaantay nalang umano nila ang report ng MDRRMC ukol sa pangkalahatang damage ng bagyo sa lalawigan.