by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Wednesday, 23 December 2015
Maaring magpasko ng walang kuryente ang mga residente ng bayan ng Corcuera matapos na pabagsakin ni bagyong Nona ang kuryente sa Isla nitong nakaraang Linggo.
Sa exclusive interview ng Romblon News kay Mayor Elmer Fruelda nitong Martes, sinabi nitong mahigit 50 na poste ang napinsala ng bagyo na naging dahilan kung bakit hanggang ngayon wala paring ilaw sa lugar.
Sinabi rin ni Vice Mayor Fruelda na siguradong magpapasko ang karamihan sa mga residente ng Simara Island ng walang kuryente dahil baka Pebrero pa sa susunod na taon tuluyang maisaayos ang mga linya at poste sa lugar.
Apektado rin ng kakulangan ng supply ng kuryente ang supply ng tubig ng bayan.
Ayon kay Vice Mayor Fruelda, ang tubig nila ay galing sa proyektong Salin-Tubig Project ng DILG at ito ay ginagamitan ng di-kuryenteng motor upang makaipon ng tubig sa reservoir.