by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Wednesday, 09 December 2015
Ang Department of Trade and Industry (DTI) – Romblon Provincial Office ay naglabas na ng listahan ng mga Christmas lights na mayroong Import Commodity Clearance (ICC) stickers & certificates mula Bureau of Products Standards.
Patuloy na pinapaalala ng DTI at ng Bureau Of Philippines Standard sa mga taga-Romblon na siguraduhing may Import Commodity Clearance o ICC stickers ang lahat ng bumibili ng Christmas light sa mga tindahan.
Layunin nito na magabayan ang mga mamimili sa tamang pagbili ng mga pailaw na gagamitin ngayong kapaskuhan at matiyak na ligtas gamitin ang mga ito upang maiwasan ang anumang disgrasya o sunog dahil sa mga Christmas lights na substandard.
Maliban rito patuloy ring pinapaalala ng DTI Romblon sa lahat ng mga negosyante ng mga malalaking tindahan na huwag magbenta ng mga Christmas light na walang ICC o peke na produkto, dahil istriktong magmo-monitor ang kanilang tanggapan kung ang mga tindahan ba ay sumusunod sa kanilang patakaran.
Para sa kompletong listahan ng mahigit 50 Christmas lights/lightning chains brands na pasado sa Bureau of Products Standards, maaaring bisitahin ang kanilang website: www.dti.gov.ph.