by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Monday, 28 December 2015
Umakyat na sa dalawa ang kaso ng mga naputukan ng mga ipinagbabawal na paputok sa probinsya ng Romblon batay sa taya ng Department of Health Regional Office 4B.
Ayon kay Ralph Falculan ng DOH-Regional Office, nakapagtala na sila ng isang kaso sa bayan ng Cajidiocan noong December 27 at isa naman sa bayan ng Odiongan ngayong araw kung saan pawang naputukan ng ipinagbabawal na piccolo.
Pawang mga menor de edad ang dalawang naputukan ng piccolo at parehong sa daliri naputukan ng ipinagbabawal na piccolo.
Patuloy naman ang kampanya ng Department of Health sa publiko na huwag nang gumamit ng paputok at gumamit nalang nag alternatibong paraan upang mag-ingay sa pagsalubong sa bagong taon.