Nahuli na nitong December 28 ang 8th Most Wanted Person ng Romblon sa Mandaluyong City matapos ang halos walong (8) taong pagtatago sa batas ng mga awtoridad na binubo ng pinagsamang lakas ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) MIMAROPA, Detection and Special Operations Unit ng CIDG, sa pakikipagtulunga na rin ng Corcuera at Calatrava Municipal Police Station.
Nakilala ang suspek na si Lopito Fajutaga, 60 taong gulang, residente ng Barangay Gobon, Corcuera sa Simara Island at wanted sa kasong di umanoy pang gagahasa sa walong taong gulang na babae noong 2007 sa parehong barangay.
Itinuturing rin si Fajutagana na number one most wanted person ng Simara Island dahil sa haba ng taong kanyang pagtatago sa batas.
Nadakip si alyas Oping pasado alas-8 ng gabi kahapon sa Neptali Gonzales Street, Barangay Hulo, Mandaluyong City sa bisa ng isang warrant of arrest na may criminal number 2969 na inilabas noon ni Hon. Judge Ramiro R. Geronimo ng Regional Trial Court Branch 81.
Dinala na sa Romblon si Oping upang iharap sa korte.
Iginiit naman ni Fajutagana ng makausap ng Romblon News na nadamay lang umano siya sa krimen na ginawa ng dalawang suspek na naunang nahuli ng mga awtoridad.
Sinabi rin ni Fajutagana na kaya siya nag tago ay takot siyang makulong dahil merong batas umano ang Pilipinas na makukulong ka agad kahit wala kang kasalanan.
Maaring pansamantalang makalaya si Oping kung makakapag bigay siya ng piyansa na may halagang P200,000.00.