by Reden Escarilla, Romblon News | Saturday, 07 November 2015
Umabot ng mahigit 100 bags ng dugo ang nalikom ng Romblon Provincial Blood Council sa ginanap na blood letting activity sa Odiongan Covered Court kanina.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng Iglesia Filipina Independiente sa kanilang 7th Diocesan Day na may temang “DUGONG AGLIPAYANO, ALAY SA PILIPINO”.
Maliban sa blood letting activity, nagkaroon rin ng misa na dinaluhan ng mga miyembro ng Iglesia sa Romblon at Mindoro.
Nagsagawa rin ng lecture patungkol sa Drug Awareness and Lifestyle Deseases ang Odiongan Municipal Police Station.
Sa Facebook post ni Bishop Ronelio Fabriquer, sinabi nitong naging successful ang nasabing aktibidad.
“In General the activity was very meaningful and succesful. To God be the glory!” ayon kay Bishop Fabriquer.