by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Monday, 16 November 2015
Natapos na kamakailan ang Oplan Kain Sigla (OKS) o ang “Eat to Nourish Feeding Program” ng Department of Health – MIMAROPA sa rehiyon partikular na sa mga munisipalidad ng Bongabog, Oriental Mindoro; Abra de Ilog, Occidental Mindoro; San Andres, Romblon; Sofronio Espanola, Palawan; at Torrijos, Marinduque kung saan maraming malnurish na mga bata ang nakatira base sa record ng 2015 Operation Timbang plus Health.
Sinabi naman ni DOH-MIMAROPA Regional Director Eduardo C. Janairo na ipapagpapatuloy nila ang nasabing programa ng ilang araw hanggang maabot ng mga bata ang normal na timbang.
“Slowly and surely we will eradicate malnutrition in the region that is why we will continue the feeding program for those children who did not acquire the required nutritional status from underweight or severely underweight to normal during the 90-day complementary feeding. These children will be evaluated on how many more feeding days they will undergo to gain the required normal height and weight and what other reasons or deficiencies have contributed to their malnourishment. We will ensure that they will not be left behind,” pahayag ni Dr. Janairo.
“This is not the culmination of the OKS program but only the start of a more comprehensive “Eat to Nourish feeding programs in MIMAROPA that we will continue not only for preschooler’s but we will also include school children especially those in the far flung barangays and island municipalities of the region,” dagdag pa niya.
Aabot naman ng 300 na bata sa San Andres, Romblon ang kasama sa programa ng Department of Health MIMAROPA habang 211 sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro; 212 sa Bongabog, Oriental Mindoro; 144 sa Sofrionio Espanola, Palawan; at 250 sa Torrijo, Marinduque.
Sinabi pa ni Dr. Janairo na ang malnutrition ay kayang labanan kung merong sapat na kaalaman ang mga bata sa nutrition at kung meron silang tamang diet. Inaanyayahan rin ni Dr. Janairo na magtanim sila ng mga gulay at iba pang tanim sa likod ng kanilang mga bahay upang may pagkukunan ng pagkain na may nutrition.
Ayon sa National Nutrition Council, ang isang bata umano ay kailangan ng 720000 to 1410000 calories kada araw upang makatulong sa kanilang lakas, paglaki at pag develop.