Opisyal ng pinasinayaan kaninang umaga ang bagong gusali ng Romblon Provincial Hospital sa bayan ng Odiongan.
Pinangunahan ang inauguration nina Hospital Chief Dr. Benedict Anatalio, Romblon Governor Eduardo Firmalo, at Vice Governor Otik Riano kasama ang ilang Sanguniaang Panlalawigan Members, Mayors, Barangay Captains ng Odiongan, ang mga staff ng RPH at PHO.
Ayon sa mensahe ni Dr. Anatalio, ang nasabing gusali ay malaking tulong para mapunan ang kakulangan ng patuloy na pagdami ng populasyon ng Romblon.
Ang nasabing hospital ay nagbibigay ng serbisyo sa 17 municipalidad ng lalawigan kung saan ito ay pinapatakbo ng Provincial Government ng lalawigan at kayang mag-admit ng mahigit 100-200 persons sa building II lamang.
Taong 2011 ng simulan ang Phase 1 ng proyekto kung saan may budget na P138,243,162.27 galing sa Department of Health-Health Facilities Enhancement Program (DOH-HFEP) program ng DOH.
Ang 3-storey building ng RPH Building 2 ay inaasahang lalagyan ng mga rooms para sa X-ray, CT scan, labor and delivery room, operation rooms, Neonatal Intensive Care roms, at ilang wards at private rooms.
Sinabi naman ni Governor Eduardo Firmalo na aabot na ng 2,000 na pasyente kda buwan ang nabibigyan ng serbersyo ng Provincial Hospital.
“Kaya ginagawa natin ang lahat para magkaroon ng dagdag na doctor ang ating hospital. Isipin niyo, aabot na tayo ng 34,000 na pasyente kada taon.” pahayag ni Firmalo.
Sinabi rin ni Firmalo na magtatayo at magpapaganda ng mga bagong building ang Provincial Government sa tulong ng Department of Health sa mga lugar ng San Andres, Romblon, at Corcuera.
Inaasahan naman na sa susunod na taon sisimulan ng gawin ang Building 3 ng Romblon Provincial Hospital at may budget na itong P84 Million pesos.
Paalala naman ni Governor Firmalo na sana panatilihing malinis ang mga facility ng RPH upang hindi mabilis maging luma.