by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Tuesday, 24 November 2015
Muling nakapagtala ng mga bagong engineer ang Romblon State University College of Engineering and Technology sa katatapos lang na November 2015 Civil Engineer Licensure Examination na ginanap sa Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena at Tacloban nitong November 18 to 19.
Ayon sa Professional Regulation Commision, 10 sa 41 na graduate ng Romblon State University ang nakapasa sa katatapos lang na licensure exam.
Batay naman sa datus ni Engr. Aprille Ann Sim ng College of Engineering and Technology ng nasabing Unibersidad, siyam (9) sa mga nakapasa ay ka-kagraduate lang nitong April 2015.
Nakilala ang mga nakapasa na sina Engr. Bernice V. Acol; Engr. Jason F. Falcunit; Engr. Charwin F. Famodulan; Engr. Cherry Mae S. Felia; Engr. Daneca D. Fernando; Engr. Joe Mare M. Fesalboni; Engr. Myco M. Mindoro; Engr. Jovel C. Teologo; Engr. Jun Clint S. Teologo; at Engr. Ylec M. Jaylo.
Ayon naman sa PRC, magsisimula ang pag issue ng Professional Identification Card (ID) at Certificate of Registration sa December 01-04. Ang mga nakapasa ang kailangang magdala ng mga sumusunod: Panunumpa ng Propesyonal, cedula, 1 piraso ng passport size pice (colored with white background and complete name tag), 2 sets of metered documentary stamps at isang brown envelope na may pangalan at profession.