by Renand Pastor, Romblon News | Saturday, 31 October 2015
LOOK: Dumilim rin ang kalangitan sa bayan ng Odiongan pasado alas-3 kaninang hapon kasunod nang namataang buhawi sa bayan ng Alcantara. | via Ken James Fadriquela, Romblon News
Isang buhawi ang namataan sa Barangay Calagonsao sakop ng bayan ng Alcantara sa Tablas Island pasado alas-3 kaninang hapon.
Ayon kay Elizer Galicia, residente ng Barangay Calagonsao, nakaranas ng malakas na ulan at hangin sa lugar na pinapaniwalaang dulot ng nasabing buhawi na nagpatumba sa ilang mga puno. Ilang mga residente rin ng nasabing barangay ang nag panic nang biglang dumilim ang kalangitan.
Ilang mga sanga naman ng puno ang nagkalat sa kalsada sa lugar dahil sa malakas na hangin.
Nagresulta naman ito ng brownout sa mga naapektuhang lugar.
Naranasan rin ang nasabing paglakas ng ulan at hangin sa mga karatig bayan katulad ng Odiongan at Calatrava.
Sa Odiongan, halos 30 minuto na naranasan ang malakas na hangin at ulan. Ilang mga binilad na palay naman ang nabasa dahil sa hindi inaasahang pagdating ng malakas na ulan sa lugar.