by Jackey Tapao, Romblon News | Friday, 30 October 2015
Patuloy ang panawagan ng Municipal Health Office ng San Agustin, Romblon sa mga bumibisita sa kanila na mahigpit na ipinagbabawal sa lugar ang paninigarilyo lalo na sa mga pampublikong lugar at mga tourist spots.
Sa sikat na Busay Falls sa Barangay Dubuduban at Tarangkalan Falls sa Bachawan, naglagay na ng mga karatula ang MHO San Agustin kaugnay sa Smoke Free Ordinance ng bayan.
Ang mga mahuhuling lumabag sa nasabing ordinansa ay maaring magbayad ng kaukulang penalidad katulad ng mga sumusunod; P1,500 – P3,000 sa unang paglabag; P2,000 to P4,000 sa ikalawang paglabag; sa ika-3 naman, maaring makulong ang sinuman na lalabag sa ordinansa ng 3 to 30 days at magbayad ng P2,500 hanggang P5,000.
Ang mga nasabing multa ay nakasaad sa San Agustin Romblon Smoke-Free Ordinance No. 02-2010 at 06-2011.