by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Saturday, 24 October 2015
Ang pagdiriwang ng 23rd Meat Safety Consciousness Week sa lalawigan ng Romblon ay pinangunahan ng mga kinatawan ng National Meat Inspection Service (NMIS) Regional Technical Operation Center (ROTC) IV-B sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Odiongan.
Ang selebrasyon ng MSCW ay magaganap sa Oktubre 19-23, na may temang “Karne at Pagkaing Ligtas, Magkasama sa Iisang Landas,” upang maipabatid ang responsibilidad ng NMIS na tiyaking ligtas ang kinukonsumong karne ng mamamayan bilang pagtalima sa R.A. 10611 or the Food Safety Act of 2013.
Ang naturang pagdiriwang ay pinasimulan sa pamamagitan ng motorcade sa kabayanan ng Odiongan, Romblon at kasunod nito ang ‘Seminar on Related Meat Inspection Law’ na nilahukan ng mga meat inspection officers mula sa iba’t ibang munisipyo ng lalawigan.
Sinabi ni Dr. Ronnie Ernst A. Duque, Regional Technical Director ng NMIS IV-B na ang selebrasyon ay naglalayong lumikha ng pampublikong kamalayan tungkol sa pagsusumikap ng pamahalaan upang matiyak na malinis, ligtas at mabuti sa kalusugan ang produksyon at pagkonsumo ng karne sa bansa.
Ang taunang selebrasyon ng MSCW ay alinsunod sa Presidential Proclamation No. 276 na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos na nag-aatas sa NMIS na pangunahan taun-taon ang paggunita nito at magsagawa ng mga aktibidad na may kaugnayan sa pagkain ng ligtas at malinis na karne.