by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Tuesday, 06 October 2015
Ilang mga kababaihan ang masayang nagkiisa sa isinagwang advanced hairdressing training na isinagawa sa Bagumbayan Beach Resort sa Magdiwang, Romblon nitong nakarang buwan.
Pinangunahan ang nasabing aktibidad ng Department of Trade and Industry – Romblon sa pakikipagtulungan rin ng pamahalaan ng Magdiwang.
Ang mga lumahok na babae na miyembro ng Magdiwang Women’s League Federation (MWLF) ay tinuruan kung nang iba’t ibang ginagwa sa buhok katulad ng rebonding, cellophane, coloring, pag-gupit, at hair care.
Laking pasalamat naman ni Mayor Guillermo Rocha at ni Vice Mayor Denisa Repizo sa DTI Romblon dahil sa patuloy na pagsuporta ng departamento sa bayan ng Magdiwang.
Hinamon rin ni Mayor Rocha ang mga kababaihan na nakilahok na gamitin ng maayos ang mga natutunang technique para makatulong ito sa kanilang pamumuhay.
Sinabi naman ni Mr. Rober Muros, Officer in Charge for Business Development Division ng DTI Romblon na laging anjan ang kanilang opisina kung kailangan sila ng LGU at ng mga nakilahok kung kailangan nila ng technical advice para na rin mas makapagbigay pa ng magandang serbisyo sa kanilang mga kleyinte.