by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Tuesday, 06 October 2015
Humiling ang dating Mayor ng bayan ng Looc na si Juliet Ngo-Fiel at tatlo pang kasama sa First Division ng Sandiganbayan na i-basura na ang kasong graft na isinampa laban sa kanila.
Kasama ni Fiel na nagpasa nagpasa nang mosyun ay sina Former Municipal Agricultural Officer Jessie Jomadiao, Municipal Civil Registrar Wilma Pastor, at Municipal Assessor Rolando Gregorio.
Ayon kay Ex-Mayor Fiel ng makausap ng Romblon News nitong nakaraang linggo, sinabi nitong nagpasa na sila ng mosyon sa Sandiganbayan kaugnay sa kaso.
Sa balita naman ni Reina Tolentino sa The Manila Times, hinihiling umano nang apat na tingnan agad kung may probable cause ang isinampang kaso laban sa kanila.
“make a judicial determination of probable cause for their alleged violation of Section 3 (e) of Republic Act No. 3019 because the evidence adduced before the Office of the Ombudsman cannot support a finding of probable cause to justify the filing of the instant information [charge sheet] and consequently the issuance of a warrant of arrest.” bahagi ng mosyun ng apat na akusado.
“[t]ruth be told, accused-movants Jomadiao, Pastor and Gregorio will not allow that their long years of public service and reputation be tarnished simply because they got caught in a crossfire of criminal and administrative complaints being hurled at each other by private complainant Arboleda and his family and herein accused Ngo-Fiel in their struggle to claim the mayoralty in Looc, Romblon,” karagdagan pang nakasulat sa mosyun.
Sinabi naman ni Fiel sa Romblon News na lalabas ng lalabas ang katotohanan kaugnay sa kaso sa kanila.
Sago naman ni Fiel ng tanungin siya ng Romblon News kung tatakbo ba siya sa susunod na halalan.
“Oo naman. tatakbo ako, alam ko namang wala akong ginagawang masama. Hindi pa naman tapos ang kaso sa akin eh, buti sana kung final decision na yan.” pahayag ni Fiel.