by Geraldine Galicia, Romblon News | Tuesday, 06 October 2015
Naging matagumpay ang isinagawang Provincial Consumer Quiz Bee ng Department of Trade and Industry Romblon nitong Oktubre 1 sa Tugdan National High School sa Barangay Tugdan, Alcantara, Romblon.
May tema ang taunang consumer quiz bee na “Consumer Protection in ASEAN Economic Community’.
Nilahukan ito ng 30 pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan kung saan my mga pambatong estudynte na siyang lalaban sa consumer quiz bee.
Ayon kay Orville F. Mallorca, Provincial Caretaker – DTI Romblon Provincial Office, ang buwan ng Oktubre ay ipinagdiriwang ng kanilang ahensiya na Consumer Welfare Month. At isa sa prebilihiyo at karangalan ng kanilang tanggapan na maiparating sa mga mamamayan ang kanilang pantay na karapatan bilang mga mamimili (consumer).
Ang mga tumayong hurado sa nasabing tagisan ng talino ay sina DOH representative Ms. Angel Gadon, DTI Provincial Caretaker Mr. Orville F. Mallorca at Consumer Welfare Division Officer in Charge Ms. Gina M. Maaño.
Ang mga itinanghal na panalo ang mga sumusunod: Champion – Luke F. Fajila ng Mabini National High School, 1st Runner-up Oscar Manlolo ng Tugdan National High School, 2nd Runner-Up –Jobelle Ramos ng Magdiwang National High School.
Laking pasasalamat ng DTI Romblon sa mga tulong na ginawa ni Ms. Melicia R. Galicia Principal I ng magdiwang National High School katuwang ang mga guro at mag-aaral sa nasabing paaralan na nagsilbing host ng quiz bee.