by Ian Kay Faa, Romblon News | Monday, 12 October 2015
Tinatawagan ng Department of Social Welfare and Development MIMAROPA ang lahat ng photogrpher sa rehiyon na sumali sa kauna-unahang Listahann at Work photo contest ngayong Oktubre.
Layunin ng photo contest na mas maipakita ang pagiging transparent ng departamento lalo na sa pagkilala sa mga mahihirap na pamilya sa rehiyon.
“Entry photo must depict the theme of the contest, Listahanan at work: identifying families in need of social protection”, pahayag ni Ernie Jarabejo, Listahan Field Coordinator.
Lahat ng gustong sumali ay maaring magpadala ng entry laman ang accomplished application form at tatlong sample ng kuhang litrato sa digital format.
Ang lahat ng entry ay dapat umano walang watermarks, signatures, names, o markings, ayon ky Jarabejo.
Hindi rin umano ng pwede na manipulahin ang mga litrato gamit ang computer softwares.
Ang mga mananalo ay makakatanggap ng premyo na nagkakahalaga ng P10,000 para sa grand prize; P7,000 para sa first runner-up; at P5,000 para sa second runner-up.
Maaring ma i-download ang mga application forms sa DSWD MIMAROPA Website (http://www.fo4b.dswd.gov.ph/). Tatanggap ang DSWD MIMAROPA ng application form hanggang Novermber 06.