by Ian Kay Faa, Romblon News | Sunday, 27 September 2015
Isinagawa sa Romblon Provincial Convention Center sa bayan ng Odiongan, Romblon ang 3rd Quarter 2015 Region 4 Community Defence Group Commander’s Conference nitong araw ng Sabado, September 26.
Dinaluhan ang nasabing aktibidad ng mga miyembro ng Battalion commander galing sa iba’t ibang probinsya sa Region 4 CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Quezon) at MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan). Dumalo rin sa nasabing event si Oriental Mindoro Governor Alfonso Umali Jr., Romblon Governor Eduardo Firmalo, at si ARESCOM Commander BGen. Paolo Leo Ma Miciano.
Sinalubong sina Governor Umali at si BGen Miciano ng arrival honor na pinangunahan ng mga Army Reserve Command units sa lalawigan.
Ang nasabing aktibidad ay para umano mapag-usapan ng grupo ang mga programa para sa mga reservisit-entrepreneurs.
Sa maikling programa na isingawa sa loob ng Romblon Provincial Convention Center, ipinakita sa isang power point presentation ang iba’t ibang nagawa ng mga reservist sa 3rd Quarter ng taong 2015. Ayon kay Maj Ronaldo Fidelino, Operation Officer ng 4RCDG, sinabi nitong ang mga reservist ay tumulong sa mga dumaang bagyo, sunog, aksidente, at kung saan kailangan ang tulong ng gobyerno. Sinabi rin nito na sa kanyang report na hindi lang lagi na krimen o aksidente ang kanilang inaaksyunan, tumutulong rin sila sa pagsugpo sa climate change sa pamamagitan ng pakikibahagi sa mga tree planting activity ng iba’t ibang sector ng Gobyerno.
Sa mensahe naman ni ARESCOM Commander BGen. Paolo Leo Ma Miciano, nagpapasalamat ito sa mga reservist na patuloy na naglilingkod sa sambayanang Pilipino kahit wala silang nakukuhang sweldo sa pagiging reservist.
Kaugnay naman sa layunin ng programa, ipinaliwanag ni BGen. Miciano na proposal na livelihood projects sa buong Region 4 (MIMAROPA at CALABARZON) para sa mga reservist-entreprenuers.