by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Monday, 21 September 2015
Kaugnay ng Fisheries Production campaign ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa lalawigan ng Romblon, nais ng ahensya na mapaangat ang kita ng mga mangingisda sa pamamagitan ng pagbibigay ng payao at iba pang kagamitang pangisda sa mga residenteng nakatira malapit sa baybaying dagat.
Ayon sa pamunuan ng BFAR Provincial Fishery Office, ang 13 coastal towns ay kanilang pinagkalooban ng payao, makina para sa bangka, lambat at iba pang gamit pangisda upang mapaunlad ang “Food Production Program” ng lalawigan.
Kabilang sa mga nabiyayaan ng proyektong nabanggit ay ang mga bayan ng San Agustin, San Andres, Santa Fe, Cajidiocan, Magdiwang, Alcantara, Banton, Sta. Maria, Romblon, Odiongan Ferrol san Jose at Corcuera kung saan umabot sa 33 yunit ng payao ang kanilang naipamahagi.
Sinabi ni Provincial Fishery Officer Ruperto Alforque na ang payao (fish aggregating device) ay epektibong paraan upang dumami ang nahuhuling isda ng mga marginalized fishermen.
Dagdag pa nito, patuloy pa ring nagbibigay ng mga kagamitan sa pag-aalaga ng seaweeds at libreng seedlings ng seaweeds ang naturang ahensiya upang gawing alternatibong hanapbuhay ng mga magasasaka at mangingisda.
Nagpapasalamat naman ang pamahalaang panlalawigan ng Romblon sa mga tulong ng Department of Agriculture at BFAR sa probinsiya para maitaguyod ang Food Security Program ng pamahalaan at matulungang umasenso ang pamumuhay ng mga residenteng umaasa lamang sa pagsasaka at pangingisda.