by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Wednesday, 30 September 2015
Planado na ang isasagawang pag-gunita ng 7th Commemoration of Battle of the Sibuyan Sea sa bayan ng Alcantara sa ika-24 ng Oktubre, ito ay ayon kay Sanguniang Bayan Member Jose Luis Morales.
Ayon sa facebook post ni Morales, ang nasabing aktibidad ay hindi lamang tutukoy sa pagkapanalo ng Allied Forces sa pangunguna ng Estados Unidos at ng Pilipinas noong World War 2 bagkos ay aalahanin rin ang pagka-bayaning ipinakita ng mga sundalong namatay at nakaligtas ng sila ay lumaban noong World War 2 kasama rito ang mga suhndalo ng Estados Unidos, Pilipinas at ang Japan.
Magkakaroon rin sa nasabing programa ng seremonya ng pagpapatawad para sa mga sundalong hapon.
Layunin rin ng programa na magkaroon ng magandang pagsasama ang mga bansang kasama sa World War 2.
Kasabay ng nasabing programa ay ipagdiriwang rin ang United Nations Day Celebration sa nasabing bayan at nakatakdang ilunsad ang kauna-unahang UN Day Minero World Representation Olympics.