Big Fish sa likod ng mga nahuhuling shabu pushers
Saludo at papuri ang nais kong ialay sa mga kagawad ng ating PNP-Odiongan sa pagkakahuli sa isa na namang tulak ng shabu sa ginawang buy-bust operation nito noong Martes, 15 September 2015 sa Sitio Bating – Barangay Anahao sa bayan ng Odiongan. Tinatayang aabot sa P120,000 halaga ng ipinagbabawal na gamot ang nasamsam ng mga kapulisan. (Basahin ang balita dito: P120,000 halaga ng shabu, nasamsam sa buy-bust operation ng PNP sa Odiongan
Bago pa man ang balitang ito ay halos sunod-sunod din ang pagkakatiklo sa iba pang mga hinihinalang tulak ng shabu sa nasabing bayan.
Bagamat maituturing na ang mga pagkakahuling ito ay isang magandang achievement, ang tanong ng bayan ay kung bakit hindi man lang matiklo-tiklo ang mga malalaking isda na maaaring nasa likod ng mga tulak na ito?
Laglag Bala at Pandurukot sa NAIA
Noong nakaraang mga araw ay laman ng pahayagan ang umanoy “Laglag Bala” raket ng ilang mga tinukoy na security personnel sa NAIA na nambibiktima ng mga inosenteng pasahero.
Depensa naman ng Malacanang, ito ay itinuturing na ‘isolated cases’ lamang. (Read report here: http://www.abs-cbnnews.com/nation/metro-manila/09/27/15/palace-laglag-bala-incident-isolated-case)
Ano ba naman yan? Bakit sasabihin na isolated case, alangan nga naman na gawing regular o oras-oras, o araw-araw isakatuparan ang raket na ito ng mga kawatang opisyal? Mga sirs at mams naman oh, hehe!
Kaugnay ng ganitong mga raket sa NAIA, noong nakaraang Agosto ay meron tayong isang kababayan na engineer at nagbakasyon mula sa bansang Qatar na nadukutan din ng tinatayang P130,000 kasama ang ilang mga mahahalagang papeles tulad ng passport, OEC at iba pang dokyumento, mula sa backpack nito.
Noong isang araw lamang, isa pang reliable source ang mismong muntik ng madukotan na naman, at nasaksihan pa ang modus ng mandurokot.
Nakakapagtaka, ang baggage claim (conveyor) area sa loob mismo ng NAIA Terminal I ay maituturing pa na secured area, paano po nakaka-operate ang mga mandurukot sa bahaging ito ng loob ng terminal ng NAIA? Tapos pag nagreklamo ang biktima at nais makita ang CCTV ay sasabihin na sira ito?
Sa mga opisyal ng gobyerno ng gumagawa ng tama at naaayon sa batas, wow at kudos po sa inyo. Sumasaludo po ako mga Sirs at Mams!
Samantalang ang iba naman ay puro lang katiwalian at panghuhudas sa kaban ng bayan at mga mamamayan ang inaatupag.