by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Friday, 18 September 2015
Madaling araw palang ng araw ng Huwebes, September 17, umabot na sa 4-inch ang taas ng baha sa ilang bahagi ng Romblon State University Main Campus dahil sa tuloy-tuloy na pag-uulan sa lugar.
Ayon kay Reden Escarilla, Romblon News Correspondent sa Odiongan, ilang mga delegado galing sa San Agustin na nasa ODiongan para sa RSU Olympics 2015 ang naalimpungatan matapos maabot na ng tubig ang quarters na kanilang tinutuluyan.
Mataas rin ang baha sa ilang kalsada sa Odiongan na umabot ng halos 1-inch ang taas.
Maaga naman nag map ang mga may-ari ng estabalishment sa labas ng Poctoy Port matapos maabot rin ang kanilang mga pwesto ng mataas na tubig.
Ikinatuwa naman ng mga mag-sasaka ang madaming buhos ng ulan dahil madagdagan ang tubig ng kanilang mga palayan.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, apektado ang lalawigan ng Romblon at ilng lugar sa Visayas dahil sa umiiral na Inter Tropical Convergence Zone o ITCZ.