by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Tuesday, 01 September, 2015
Inilunsad nitong August 30 ang mahigit isang-daan na artificial coral reefs sa Barangay Marigondon sa bayan ng Cajidiocan sa Sibuyan Island.
Ang nasabing artificial coral reefs ay proyekto ng punong barangay ng lugar na si Cleto Ramilo bilang isa sa mga programa para mapangalagaan ang kalikasan.
Isa ring paraan ang programa upang muling dumami ang mga isda sa lugar lalo na’t dumarami ang mga napupunta sa dynamite fishing at iba pang environmental violation para lang dumami ang mahuling isda.
Ang mga nasabing artificial coral reefs ay gawa sa mga maliliit na sanga ng dahon ng niyog, at mga gamit ng plastic containers.
Nakipagtulungan naman sa mga opisyales ng Barangay ng mga sinasabing Eco warriors ng Cajidiocan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Inspector Elmer Fajel upang mailagay ang nasabing artificial coral reefs sa dagat.
Ilang mangingisda rin ang tumulong upang maglagay ng mga artificial coral reefs sa ilalim ng dagat.