U_Spy: Mahalaga ang OFW ID kung libre

Written by Rey Marfil
  • Pinterest

Kung marami ang pumapalag mga tsong sa mungkahing Muslim-only ID system na sa tingin ng mga kritiko ay isang uri ng diskriminasyon, mukhang marami naman ang pabor sa isa pang ID system na planong ipatupad para naman sa mga bayani nating overseas Filipino worker (OFWs).

Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III, na ilulunsad na nila ngayon Hulyo ang tinatawag na OFW ID o iDole ID, na ipapalit sa kinasusuklaman ng mga OFW na overseas employment certificate o OEC.

Noon pa man, parang kontrabida na sa teleserye ang dating ng OEC para sa mga OFW dahil sa bukod sa pinapahirapan...

Read more: U_Spy: Mahalaga ang OFW ID kung libre

U_Spy: Imbistiga muna, bago dada!

Written by Rey Marfil
  • Pinterest

Tulad ng mga napapanood nating drama at crime series sa telebisyon, parang nagkaroon ng “twist” o pihit sa istorya, o sa takbo ng imbestigasyon sa karumal-dumal na pagpatay sa limang miyembro ng isang pamilya sa San Jose del Monte, Bulacan.

Matapos kasing pumasok na rin sa eksena ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation, aba’y biglang inihayag naman ng pulisya na isasama na rin nila sa imbestigasyon si Dexter Carlos Sr., ang padre de pamilya ng mga biktima.

Pero ang tanong siguro ng mga kuminaw sa labasan—bakit ngayon lang? Kasi naman mahigit dalawang linggo na mula nang mangyari ang krimen...

Read more: U_Spy: Imbistiga muna, bago dada!

U_Spy: Sobrang kawalanghiyaan

Written by Rey Marfil
  • Pinterest

Sa kabila ng libu-libong namamatay sa kampanya kontra-droga ng administrasyon, ilang kritiko ng “war on drugs” ang tila nagtataka at dismayado kung bakit parang wala raw masyadong pagpalag ang publiko sa nangyayaring mga patayan sa mga taong sinasabing sangkot sa iligal na droga.

Isang taon mula nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte, iba’t ibang numero na ang naglalabasan sa kung ilan na nga ba ang namatay sa operasyon ng pulisya, namatay sa kamay ng mga maskarado, namatay dahil niresbakan o pinatahimik ng sindikato, at iyong mga kawawang nadamay lang.

Pero anuman ang tunay na bilang, ang hindi maikakaila ay talagang...

Read more: U_Spy: Sobrang kawalanghiyaan

U_Spy: Ibang "paputok", pls...

Written by Rey Marfil
  • Pinterest

Marami ang tiyak na susuporta at mayroon ding malamang na aangal sa nilagdaang Executive Order ni Pangulong Duterte na limitahan ang paggamit ng paputok sa pagsalubong sa bagong taon sa buong bansa. Ang magiging tanong na lamang ngayon—maipatupad kaya?

Ang mga may ashma, at mga hindi nagpapaputok kapag sumasalubong sa bagong taon ang tiyak na unang pumalakpak nang maibalitang nilagdaan na ni Duterte ang EO 28, na nag-aatas na limitahan sa piling lugar ang paggamit ng mga paputok at pailaw.

Kung may pumalakpak, tiyak na may nagtaas din ng kilay sa naturang kautusan gaya ng mga nagtitinda ng mga paputok...

Read more: U_Spy: Ibang "paputok", pls...