U_Spy: Shock-and-awe' sa Sibuyan

Written by Rey Marfil

Mainit ang industriya ng pagmimina ngayon. Hindi lang sa mga mata ng itinalagang kalihim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DENR na si Gng. Gina Lopez kundi pati sa mga balitang nakarating sa inyong lingkod tungkol sa mga pangyayari noong isang linggo sa Sibuyan Island.

Dala ng tubig ulang ibinuhos ng magkakasunod na araw, dalawang (2) minero ang nasawi matapos madaganan ng malalaking tipak ng bato at natabunan ng gumuhong lupa sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Dulangan sa bayan ng Magdiwang-- kilalang mining town ang Magdiwang.

Naglalakad umano sa gilid ng bundok sa Sitio Hanggan ang dalawang (2) biktima patungo sa...

Read more: U_Spy: Shock-and-awe' sa Sibuyan

U_Spy: Ano ang ending?

Written by Rey Marfil

Walang pinag-iba kay Bernardo Carpio ang sitwasyon ng mga Pilipino; meron Team Laila at Team Digong, animo'y naiipit sa dalawang(2) nag-uumpugang bato kayat nililindol ng intriga ang buong Pilipinas, katulad ng alamat. Anuman ang pinag-ugatan at pinaghugutan ng magkabilang kampo-- iisa lang ang talo, walang iba kundi ang taong bayang nakikisawsaw sa isyu at tila naguguluhan sa mga naglalabasang kuwento.

Parehong nasa hustong gulang sina senadora Laila de Lima at Pangulong Rodrigo Duterte; parehong abogado; parehong tumanda at "nagka-tahid" sa serbisyo-publiko; magkaiba man ang propesyong pinasukan pagkalabas ng San Beda, halos magkapareho ang sinumpaang tungkulin sa ngalan ng batas-- manaig...

Read more: U_Spy: Ano ang ending?