U_Spy: Proyektong napapanahon

Written by Rey Marfil
  • Pinterest

Sunud-sunod ang good news sa lalawigan ngayon. Nakakatuwang isipin na matapos buhusan ng pondo ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang Romblon para sa pagpapagawa ng mga pangunahing lansangan sa buong probinsiya na umabot sa humigit-kumulang P3 bilyong piso sa nakalipas na anim na taon, ipinagpapatuloy ang implementasyon ng mga imprastraktura sa enerhiya at turismo.

Sa usapin ng pagpapailaw sa mga kanayunan, dumating na ang pitong units ng malalaking generator sets para sa mga planta ng National Power Corporation (NPC) sa lalawigan. Pakikinabangan ng tatlong bayan sa Sibuyan Island ang tatlo sa mga ito.

Isang karagdagang Napocor gen-set ang naihatid na...

Read more: U_Spy: Proyektong napapanahon

U_Spy: Laban Davao

Written by Rey Marfil
  • Pinterest

Labing-apat ang nasawi, 67 ang sugatan; pero hindi sa mga numerong yan nagtatapos ang epekto ng rimarim at pagpapasabog na nangyari sa Davao, pasado alas-10:00, Biyernes ng gabi.

Maraming negosyo ang nagsara, maraming buhay ang tumigil uminog pansamantala; ilang bilyon ang patuloy na nawawala sa kalakalan at ekonomiya; mas malaki ang ikanga'y 'intangibles' - hindi matutumbasan ng bilang o halaga.

Ano ba namang klase ng ispiritu itong sumanib sa iba nating mga kababayan? Sinakluban yata ng sandosenang demonyo't kalahati-aba'y imbes na makiramay sa mga Dabawenyo-- "karma yan" at "kala ko ba peaceful dyan" ang komento sa social media.

Walang bengga o...

Read more: U_Spy: Laban Davao

U_Spy: Shock-and-awe' sa Sibuyan

Written by Rey Marfil
  • Pinterest

Mainit ang industriya ng pagmimina ngayon. Hindi lang sa mga mata ng itinalagang kalihim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DENR na si Gng. Gina Lopez kundi pati sa mga balitang nakarating sa inyong lingkod tungkol sa mga pangyayari noong isang linggo sa Sibuyan Island.

Dala ng tubig ulang ibinuhos ng magkakasunod na araw, dalawang (2) minero ang nasawi matapos madaganan ng malalaking tipak ng bato at natabunan ng gumuhong lupa sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Dulangan sa bayan ng Magdiwang-- kilalang mining town ang Magdiwang.

Naglalakad umano sa gilid ng bundok sa Sitio Hanggan ang dalawang (2) biktima patungo sa...

Read more: U_Spy: Shock-and-awe' sa Sibuyan

U_Spy: Ano ang ending?

Written by Rey Marfil
  • Pinterest

Walang pinag-iba kay Bernardo Carpio ang sitwasyon ng mga Pilipino; meron Team Laila at Team Digong, animo'y naiipit sa dalawang(2) nag-uumpugang bato kayat nililindol ng intriga ang buong Pilipinas, katulad ng alamat. Anuman ang pinag-ugatan at pinaghugutan ng magkabilang kampo-- iisa lang ang talo, walang iba kundi ang taong bayang nakikisawsaw sa isyu at tila naguguluhan sa mga naglalabasang kuwento.

Parehong nasa hustong gulang sina senadora Laila de Lima at Pangulong Rodrigo Duterte; parehong abogado; parehong tumanda at "nagka-tahid" sa serbisyo-publiko; magkaiba man ang propesyong pinasukan pagkalabas ng San Beda, halos magkapareho ang sinumpaang tungkulin sa ngalan ng batas-- manaig...

Read more: U_Spy: Ano ang ending?