U_Spy: Anong petsa na, wala pa rin plaka!

Written by Rey Marfil

Magtatapos na naman ang taon, tila kahapon lamang noong magsimulang manungkulan ang kasalukuyang pangasiwaan at umpisahang tugunan ang mga kasalukuyang hamon ng bansa.

Ilang araw na lamang at nasa kalahating marka na bago ang unang anibersaryo ng pamunuan ni Pangulong Digong Duterte. Napakabilis talagang uminog ang panahon.

Pagkaupung-pagkaupo, tila nalusaw ang 'tanim-Bala' na noong eleksyon lamang ay tinaguriang 'Laglag-Punglo' na tila pangangantyaw sa Liberal Party dahil sa acronym ng LP.

Nandyan din ang pamamayagpag ng pangungutya sa namumuno noon sa mga paliparan gamit ang "Late Plane" dahil sa atrasadong byahe ng eroplano dahil sa runway congestion.

"Late Plate" din ang...

Read more: U_Spy: Anong petsa na, wala pa rin plaka!

U_Spy: Ibang version ng bitay

Written by Rey Marfil

Maraming sektor ang umaalma; kadalasan ay ang mga nagmumula sa cause-oriented groups at mga grupong nagtutulak ng adbokasiya para sa karapatang pantao o human rights.

Ngayon, may umuusbong na bagong sektor na ganito rin ang sentimyento sa bagong pangasiwaan: ang mga pamilya ng mga napaslang, mga nangahilakbot at lubhang naapektuhan ng matapang na pagpapairal ng mga polisiyang nakalatag na noon pa man sa ilalim ng batas.

Malaking bahagi pa nga sa mga ito ay nagmumula sa hanay ng pinaka-rabid supporters ng bagong pangulo noong halalan.

Ganunpaman, hindi na dapat ikinagugulat ng bansa ang mga alituntuning radikal na ipinatutupad sa ilalim...

Read more: U_Spy: Ibang version ng bitay

U_Spy: Awat muna, l

Written by Rey Marfil

Kaliwat kanan ang party ngayon. Panahon ng taon na ngangahulugan ng bonus para sa mga obrero at shopping naman ang katumbas nito para sa mga pamilyang umaasa sa kanila. Marami ang ikanga'y "awash with cash." Tuwang-tuwa naman ang mga negosyante dahil masigla ang kalakalan.

Ngunit sa kabilang banda, marami ding nangangailangan. Marami ang gagawa ng paraan, makasakit o maka-perwisyo man. Kaya't wag kaliligtaan ang halaga ng ibayong pag-iingat dahil hindi maiaalis ang pananamantala ng mga dorobo at yaong may isyu sa batas at lipunan.

Maraming kinakaharap na giyera ang pamahalaan. Ang mga kaaway na ito ang may motibasyong manamantala sa...

Read more: U_Spy: Awat muna, l

U_Spy: Maibaba kaya?

Written by Rey Marfil

Nagbubukas na ang mga merkado sa ibayong dagat para sa mga produkto ng bansa. Dahil sa kakaibang istilo ng bagong pamunuan sa pangangasiwa at sa ugnayang panlabas, nakakita ang bansa ng mga bagong kaibigang mapagbebentahan ng ating mga export partikular na ang produktong agrikultura - ang China at Russia.

Muli na namang umaakyat ang inilalabas nating saging sa China. Sa huling balita, unti-unti nang lumuluwag ang mga dating pinahigpit na regulasyon doon, lalung-lalo na sa quarantina at kalidad ng mga pumapasok sa kanilang produktong agrikultura.

Sa Pandesal Forum nakaraang Martes, masayang sinabi ni Russian Ambassador Igor Khovaev na "give us your...

Read more: U_Spy: Maibaba kaya?