U_Spy: Dagdag-numero sa mga walang trabaho

Written by Rey Marfil

Ilang linggo na lamang, ilang libo na naman sa ating mga mag-aaral ang magtatapos - mula pre-school, elementarya, high school, senior high school at kolehiyo.

Ayon sa mga pantas ng estadistika at datos ng Philippine workforce, mahigit isang milyon sa mga gagradweyt sa kolehiyo ang madadagdag sa taunang sakit-ulo ng gobyerno, hindi dahil sa kawalan ng mapapasukang trabaho kundi dahil sa hindi angkop na kakayanan, kasanayan at pinag-aralang kurso sa mga trabahong bukas at dapat punan.

Perinyal itong problema ng pamahalaan. Noon pa man, tuwing panahon ng pagtatapos ng mga kolehiyo't pamantasan, taun-taong nagkakamot ng ulo ang mga naatasang ahensyang dapat...

Read more: U_Spy: Dagdag-numero sa mga walang trabaho

U_Spy: Happy Women's Month

Written by Rey Marfil

Noong isang linggo, sinabi ni Pangulong Duterte na base sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, Cebu ang nangungunang lugar sa bansa sa usapin ng drug infestation. 



Ngunit noong mga nakaraang araw, marami sa ating mga kaibigan ang nagtatanong: bakit tila lumalabas na, maliban sa Central Visayas, Quezon ang malapit na pumapangalawa?

Halos araw araw ang balita sa hulihan ng droga sa Quezon. Lucena City, Tayabas, Candelaria at Mauban ang bumabanderang mga bayan, kung hulihan lang naman ng droga ang pag-uusapan. Hindi nakapagtataka.

Bukod kasi sa bulubunduking bahagi ng lalawigan, medyo maliwang ang Quezon dala na...

Read more: U_Spy: Happy Women's Month

Isa pang Romblomanon, Usec na rin!

Written by Rey Marfil

Nakakatuwang isipin na sa kahit kanino mang pangasiwaan parating may pinagkakatiwalaang taga-Romblon upang magsilbi sa matataas na posisyon sa pamahalaan.

Nakaraang Miyerkules, sa pulong-balitaan sa Malakanyang, ibinalita ni Science Secretary Fortunato T. de la Peña ang pagkakatalaga ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) director na Dr. Renato Solidum bilang bagong undersecretary ng Disaster Risk Reduction and Climate Change Affairs ng Department of Science and Technology (DOST).

Bitbit ni Manong Boy sa bagong katungkulang ito ang deka-dekadang karanasan sa pangangasiwa sa disaster risk reduction, lalung-lalo na sa larangan ng geological hazards gaya ng lindol, daluyong ng karagatan at iba...

Read more: Isa pang Romblomanon, Usec na rin!

U_Spy: Romblomanon ini!

Written by Rey Marfil

Habang marami sa mga Pilipino ang nangagsidalo sa mga pagtitipong isinagawa upang buhayin sa dambana ng gunita ang ika-31 taong anibersaryo ng EDSA People Power sa mga pangunahing lungsod ng Pilipinas, idinaos din sa iba't ibang parte ng bansa ang sabayang chapter elections ng Integrated Bar of the Philippines (IBP).

Ang IBP ay ang pambansang organisasyon ng mga abogado sa Pilipinas, lahat ng Pilipinong manananggol ay naatasang maging kasapi nito. Sa buong bansa, ang Quezon City Chapter ng IBP ay ang siyang pinakamalaki ang bilang ng kasapi.

Noong Sabado habang ang mga milenyal sa Kamaynilaan ay nagsipagkumpol sa paligid ng...

Read more: U_Spy: Romblomanon ini!