U_Spy: Lamyerda grande?

Written by Rey Marfil
  • Pinterest

Matapos bigwasan ni Pangulong Duterte noong Hulyo ang walang kapararakang gastos ng gobyerno gaya ng mga biyaheng walang patumangga ng mga local officials, umaasa ang maraming kababayan na matitigil na ang mga "lakbay-aral" ng mga konsehal at lokal na kawani.

Ngunit sadya yatang manhid sa sentimyento ng bayan ang ilan sa atin. Walang pakialam sa mga alituntuning nalalabag at sa direksyon ng polisiyang dapat sundan. In the guise of its observance of the 116th Anniversary of Philippine Civil Service, kasalukuyang nagtatampisaw sa dalampasigan ng Boracay Island sa Malay, Aklan ang umaabot sa 60 mga kawani ng isang munisipyo sa lalawigan...

Read more: U_Spy: Lamyerda grande?

U_Spy: LTO 'mobilbil' pa more

Written by Rey Marfil
  • Pinterest

Mandato, trabaho, obligasyon-mga dahilan ng taong pilantod at makupad, lahat ng galaw ay ayon sa letra at de-kahon. Maaari ngang ang lumabas sa mga tanggapan at bumaba sa komunidad ay hindi ninyo obligasyon, ngunit walang pumipigil sa inyong pagbutihin ang trabaho at ibigay ang serbisyong mapagtugon.

Tingin nyo ba, ang makisuyo sa inyong pumasyal sa mga isla upang maghatid ng paglilingkod ay trabaho ng mga konsehal, vice mayor at alkalde ng Romblon? Ginawa nila iyon dahil kulang ang serbisyo ng inyong tanggapan, hindi nakararating sa publikong dapat ninyong pinagsisilbihan.

Kung umaabot sa mga isla ang law enforcement at inyong panghuhuli,...

Read more: U_Spy: LTO 'mobilbil' pa more

U_Spy: LTO 'Mobilbil' Services

Written by Rey Marfil
  • Pinterest

Kalagitnaan ng Agosto pa ng taong kasalukuyan nang masaksihan ng bansa ang harap-harapang panggagalaiti ni Pangulong Rodrigo 'Digong' Duterte sa walang puknat na korupsyon at katiwalian sa burukrasya sa kabila ng mabibigat na salitang binitiwan ng punong ehekutibo laban dito.

Apparently, may mga kaibigang negosyante sa Cagayan de Oro na nagsumbong sa kanya. Special mention sa litanyang ito ang dalawang ahensya sa ilalim ng pinanipis na DOTr - ang Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Boatd (LTFRB).

Sa tindi ng kanyang pagkakapundi agaran niyang pinagbitiw sa pwesto ang lahat ng presidential appointees ng nakaraang administrasyon. Curiously, ang...

Read more: U_Spy: LTO 'Mobilbil' Services

U_Spy: Proyektong napapanahon

Written by Rey Marfil
  • Pinterest

Sunud-sunod ang good news sa lalawigan ngayon. Nakakatuwang isipin na matapos buhusan ng pondo ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang Romblon para sa pagpapagawa ng mga pangunahing lansangan sa buong probinsiya na umabot sa humigit-kumulang P3 bilyong piso sa nakalipas na anim na taon, ipinagpapatuloy ang implementasyon ng mga imprastraktura sa enerhiya at turismo.

Sa usapin ng pagpapailaw sa mga kanayunan, dumating na ang pitong units ng malalaking generator sets para sa mga planta ng National Power Corporation (NPC) sa lalawigan. Pakikinabangan ng tatlong bayan sa Sibuyan Island ang tatlo sa mga ito.

Isang karagdagang Napocor gen-set ang naihatid na...

Read more: U_Spy: Proyektong napapanahon