Isa pang Romblomanon, Usec na rin!

Written by Rey Marfil
  • Pinterest

Nakakatuwang isipin na sa kahit kanino mang pangasiwaan parating may pinagkakatiwalaang taga-Romblon upang magsilbi sa matataas na posisyon sa pamahalaan.

Nakaraang Miyerkules, sa pulong-balitaan sa Malakanyang, ibinalita ni Science Secretary Fortunato T. de la Peña ang pagkakatalaga ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) director na Dr. Renato Solidum bilang bagong undersecretary ng Disaster Risk Reduction and Climate Change Affairs ng Department of Science and Technology (DOST).

Bitbit ni Manong Boy sa bagong katungkulang ito ang deka-dekadang karanasan sa pangangasiwa sa disaster risk reduction, lalung-lalo na sa larangan ng geological hazards gaya ng lindol, daluyong ng karagatan at iba...

Read more: Isa pang Romblomanon, Usec na rin!

U_Spy: Romblomanon ini!

Written by Rey Marfil
  • Pinterest

Habang marami sa mga Pilipino ang nangagsidalo sa mga pagtitipong isinagawa upang buhayin sa dambana ng gunita ang ika-31 taong anibersaryo ng EDSA People Power sa mga pangunahing lungsod ng Pilipinas, idinaos din sa iba't ibang parte ng bansa ang sabayang chapter elections ng Integrated Bar of the Philippines (IBP).

Ang IBP ay ang pambansang organisasyon ng mga abogado sa Pilipinas, lahat ng Pilipinong manananggol ay naatasang maging kasapi nito. Sa buong bansa, ang Quezon City Chapter ng IBP ay ang siyang pinakamalaki ang bilang ng kasapi.

Noong Sabado habang ang mga milenyal sa Kamaynilaan ay nagsipagkumpol sa paligid ng...

Read more: U_Spy: Romblomanon ini!

U_Spy: Libreng patubig kamusta na kaya?

Written by Rey Marfil
  • Pinterest

Nakapagtanim na simula noong nakaraang buwan ang ating mga magsasaka ng palay at mais sa Gitnang Luzon, ang tradisyunal nang itinuturing na food basket ng ating bansa. Pagdating ng huling bahagi ng Marso hanggang Abril, mag-uumpisa nang anihin ang mga gintong butil na inilalatag natin sa ating mga hapag-kainan.

Magsisimula na rin nating makikita ang epekto ng bagong polisiya ng administrasyong ito sa agrikultura, partikular na sa patubig - libreng patubig para eksakto. Ito ay kung matagumpay na ipinasakatuparan ang inanunsyo sa publiko ni Agriculture Secretary Manny Piñol noong nakaraang taon.

Bilang pagtalima sa policy statement ng kasalukuyang pangulo matapos ang...

Read more: U_Spy: Libreng patubig kamusta na kaya?

U_Spy: Kinang ng alahas ni Imelda

Written by Rey Marfil
  • Pinterest

Unti-unti nang nababawi ng pamahalaan ang bahagi ng mga ninakaw ng pamilya Marcos sa kaban ng bayan.

Kaamakailan lang, kinatigan ng Korte Suprema ang pasya ng Sandiganbayan na nag-uutos na kumpiskahin ang ikatlong koleksiyon ng mga alahas ni dating first lady Imelda Marcos na nakuha noong 1986.

Sa 21-pahinang desisyon na isinulat ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, ibinasura ng First Division ang petition for certiorari na inihain ni Imelda at anak na si Irene Marcos-Araneta na humihinging baliktarin ang desisyon ng Sandiganbayan na may petsang Jan. 13, 2014.

Ang ikatlong jewelry collection ay kilala bilang “Malacañang Collection” at nagkakahalaga...

Read more: U_Spy: Kinang ng alahas ni Imelda