Anong pwedeng puntahan sa Alcantara?

Written by Eugene Mayor | Romblon News

Ang Alcantara ay binubuo ng 12 Barangay magmula sa hilaga nariyan ang Calagonsao, Tugdan, San Roque, Bonlao, San Isidro, Lawan, Poblacion, Camili, Gui-ob, Bagsik, Madalag at Comod-om.

Kumikinang ang dalampasigan sa tuwing ito ay masisinagan ng araw dahil sa Perfect Sunrise na masasaksihan. Isa na rito ang sikat sa buong mundo dahil sa puting buhangin at mala paraisong paligid, ang Aglicay Beach Resort sa Brgy. Comod-om. Nariyan rin ang Tugdan Beach Park at ang marami pang mga beaches na hindi pa gaanong nadidiskubre ngunit malaya kang makaligo ng walang bayad.

Ang mga ilog at talon na nag hihintay lamang sa inyo upang makapag relax at maenjoy ang kalikasan.

Dinarayo naman kada-Marso taon-taon ang may Saginyogan Festival sa bayan ng Alcantara na nasa ika-8 taon na ngayong taon. Ipinakikilala sa nasabing festival ang pangunahing produkto na Alcantara na siya ring ikinabubuhay ng mga tao rito na Saging at Niyog.

Isa sa mga pasyalan rin sa lugar ang landmark ng Battle of the Sibuyan Sea, isa sa mga historical landmark sa Pilipinas noong panahon nang World War II.

At kung pagkain lang ang pag uusapan hindi pahuhuli ang bayan ng Alcantara sa lokal na pag gawa ng "Sarsa". Ito ay yari sa hipon na sinangkapan ng mga pampalasa at niyog na muling ginagataan para lumitaw ang sarap nito. Minsan sinadya pa ito ng programang Kapuso Mo Jessice Soho ng GMA Channel 7 para lang tuklasin kung paano ito inihahanda.

Para naman tikman ang iba pang lasang Alcantara, maari mong puntahan ang sikat na kainan na 'Dew Forest' sa Barangay Taboc.

Sa bayan rin ng Alcantara ang nag-iisang paliparan sa lalawigan ng Romblon o mas kilalang Romblon Airport.

Tuwing Nobyembre rin taon-taong ay ibinibida ng Alcantara ang kanilang Giant Christmas Tree na mattagpuan sa mismong public plaza ng bayan. Markahan ang inyong kalendaryo ang Grand Opening and Lighting Ceremony ng Giant Christmas Tree ay sa ika-20 ng Nobyembre ngayong taon