Going to Simara? Here is a place for you to stay.

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Biyaheng Corcuera nanaman tayo ngayong weekend, at para sa mga backpackers na walang matutuluyan sa tahimik na isla ng Simara sa hilagang bahagi ng probinsya ng Romblon, narito ang lugar na pwede mong tuluyan.

Ang Bernie's Place Romblon na matatagpuan sa Barangay Ilijan, Corcuera, Romblon.

Relaxing ang lugar at napakatahimik dahil sa malayo na siya sa bayan at napapalibutan ng mga puno ng kahoy.

Sa murang halaga lamang ay pwede nang mag overnight ang mga magbabarkada o magpapamilya dala ang kani-kanilang mga tents.

Ang lugar ay malapit rin sa mga kilalang atraksyon ng Simara Island katulad ng tagong dagat na tinatawag nilang Briagas Beach at ang rock formation na may hawig sa mga paa ng elepante.

Wala ring problema sa pagkain dahil nag-offer rin sila ng mga masasarap na pagkain pero kinakailangan na may notice para maihanda.

Para sa mga gustong bumisita pwede niyong kontakin si Bernie Fallurin sa 09177506921.