Classic Halo-Halo, offer ni Tita Lily sa Odiongan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Siguro nagtataka ang lahat kung bakit maraming naglalagay sa kanilang Facebook Page ng picture ng di umano'y masarap na Halo-Halo na matatagpuan sa Barangay Gabawan sa Odiongan.

Hinanap namin ito at natagpuan namin ang pwesto sa tabi ng kalsada na may pangalang "Lily's Halo-Halo".

We'll, na kamit niya ang expectation na hinahanap nga sa masarap na halo-halo.

Nakausap ko mismo si Tita Lily habang siya ay tumatakal ng mga sangkap sa mga order naming halo-halo, ayon sa kanya hindi lang halo-halo ang nasa pwesto niya kundi may lugaw, ihaw-ihaw, siomai at iba pa.

Ayon naman sa mga tumutulong sakanya, sikat na umano ang Lily's Halo-Halo dahil sa biglaang promotion sa Social Media.

Kompleto ang sangkap ng halo-halo ni Tita Lily, merong palm nuts, nata de coco, langka, saba, pinipig, at topping na Leche Flan.

Sa halagang P50, sulit na ang pagtatago sa mainit na araw.


Ang article na ito ay bahagi ng Summer Special 2017 ng Romblon News Network featuring places to visit in Romblon, Philippines.