Lowest and Unique Bid - Ano'ng Mali?

Written by Ressie S Fos | Romblon News

Matapos ihayag ng Pangulong Duterte na ipapabago nya ang procedure sa bidding na hindi na umano mga 'lowest bid' ang dapat pinapanalo dahil sa nagiging ugat lamang ito ng corruption, marami naman sa mga supporters ng Pangulo ang natuwa. Naniniwala sila sa sinabi ng Pangulong Duterte na maiiwasan nga ang korapsiyon sa mga bidding kapag hindi pinapanalo ang 'lowest bid'. 

May punto po ang Pangulong Duterte sa pagsabi nito na ang 'lowest bid' ay maaari lamang na pagmulan ng corruption, bagamat hindi sa konteksto ng pagiging mababa talaga nag uugat ang katiwalian, kundi sa hindi tama na proseso ng bidding. 

...
Read more: Lowest and Unique Bid - Ano'ng Mali?

P2K SSS Pension Hike, Lollipop nga lang ba?

Written by Ressie S Fos | Romblon News

Isa sa matunog at mabango na isyu kontra sa pamahalaang Aquino ay ang pag-veto nito sa P2K SSS Pension Bill - H.B. 5842. Kung hindi susuriing mabuti ang isyu at ang mga rason kung bakit disapproved ito kay PNoy, lalabas na tila baga masyadong madamot ang dating Pangulong Aquino para ipagkait sa mga 2 milion SSS pensioners ang nasabing panukalang P2,000 na dagdag sa kanilang mga pension. 

Maliban sa mangilan na nakakaalam ng rason ng dating Pangulo sa pag-veto nya sa nasabing house bill, halata sa mga argumento sa social media na marami ang hindi nakakaalam sa dahilan ng disapproval ng...

Read more: P2K SSS Pension Hike, Lollipop nga lang ba?

Mandatory ROTC o Makatotohanang Advance Military Training?

Written by Ressie S Fos | Romblon News

Bago pa man tuluyang maluklok sa pagka-presidente ang Pangulong Duterte ay nahayag na nito ang kanyang plano na ibalik ang ROTC sa mga kolehiyo at gawin itong mandatory. Ngayong araw nga ay lumabas ulit sa mga pahayagan ang mungkahi na ito ng Pangulo. 

Photo: ActionTV - www.news5.com.phPhoto: ActionTV - www.news5.com.ph

Sang-ayon naman ako rito. Malaking bagay ang ROTC upang mahubog una ang disiplina ng mga estudyante (kabataan) at pangalawa magkaroon ng mga pangunahing kaalaman sa mga bagay at operasyon na pang militar. 

Subalit, kung ako ay magmumungkahi, kinakailangang baguhin ang pagtakda nito, tulad ng mga sumusunod:

1.  Maaaring alisin sa kurikulum ng kolehiyo ang ROTC, para hindi ito...

Read more: Mandatory ROTC o Makatotohanang Advance Military Training?

Illegal Drugs at Illegal Gambling

Written by Ressie S Fos | Romblon News

Kaugnay ng kampanya ng PNP na masugpo ang illegal na droga sa madaling panahon, nakikita naman natin na epektibo ito patunay ang mga maraming bilang ng mga drug dependents na sumuko. Katunayan, sa buong lalawigan ng Romblon ay umabot na sa halos 561, as of July 26 ang bilang ng mga sumuko dulot ng project 'Tokhang' ng PNP. Ang isang maganda pa rito, wala pa naman kaso ng napatay o 'ika nga, maaaring kaso ng extra judicial killing kaugnay sa 'Tokhang' project na ito sa lalawigan. 

Kung tutuusin, ang positibong epekto ng pagsuko nitong mga drug dependents ay masusukat natin...

Read more: Illegal Drugs at Illegal Gambling