Impluwensiya ng Social Media sa Pangangampanya ng mga Kandidato

Written by Ressie S Fos | Romblon News
  • Pinterest

May modernong kasabihan, "hindi ka tao kapag wala kang social media account" na nagpapahiwatig lamang na bahagi na ng normal na buhay ng isang tao sa ngayong mga araw ang social media o internet dulot ng makabagong teknolohiya at pag-adopt sa kalakaran ng halos lahat ng mga sangay ng gobyerno, mga financial institutions, at negosyo sa mga makabagong teknolohiya na ito. Sabi nga, 'everything is online'.

Photo: by RapplerPhoto: by Rappler

Totoong ang social media ay isa sa pinakamabilis at mabisang paraan ng pagko-communicate ng mga tao sa ngayon sa isa’t isa o, pamilya, opisina, mga organization at simpleng grupo. Mula sa pinakabata hangang sa...

Read more: Impluwensiya ng Social Media sa Pangangampanya ng mga Kandidato

Sports Complex para sa Probinsya ng Romblon

Written by Ressie S Fos | Romblon News
  • Pinterest

Photo for illustration only. Source: http://www.insidethegames.biz

Sobrang tagal na ang panahong lumipas, simula nang ako'y ipanganak ng aking mga magulang hanggang sa ngayon, may isang bagay pa sa buong lalawigan ng Romblon na hindi ko nakikita. Ito'y ang isang malaki o kahit sabihin natin na katamtamang laki na Multipurpose Sports Complex. Bagamat marami na ring mga naging kilala na mga personalidad sa larangan ng palakasan tulad halimbawa ni Elma Moros, Darry Foja, at iba pa. Subalit, tila baga napag-iwanan ang mga proyektong inprastrakturang pang-palakasan. Bakit nga ba? 

Sa bayan ng Odiongan halimbawa, meron namang malaking area kung tutuusin na pwedeng pagtayuan...

Read more: Sports Complex para sa Probinsya ng Romblon

Pag-asa sa Bagong Taon

Written by Ressie S Fos | Romblon News
  • Pinterest

Parang kaylan lang ang Enero 2015 at ngayong araw nga ay panibagong taon na naman. Totoong napakabilis umusad ang araw. 

Sa pagsapit ng bagong taon ay maraming mga paniniwala tayong mga namana pa mula sa ating mga ninuno at impluwensiya ng ibang lahi, tulad na lamang ng mga paniniwala sa punsoy. Popular dito ang pagkakaroon o paghahain ng mga bilog na prutas sa pagsapit ng bagong taon, sa paniniwala na maghahatid ito ng 'swerte' sa loob ng panibagong taon. 

Ako naman po ay nagrerespeto sa paniniwala ng iba. Ganun pa man, nais ko rin pong sabihin na ang totoong pag-asa...

Read more: Pag-asa sa Bagong Taon

Pamantayan sa Pagpili ng mga Kandidato

Written by Ressie S Fos | Romblon News
  • Pinterest

Halos makalipas lamang ang tatlong araw mula opisyal na buksan ng COMELEC ang filing of COC, ay marami na rin ang lumantad at nagsumite ng kanilang mga kandidatura. 

As usual, sariwang-sariwa pa sa ating alaala ang mga kaganapan tuwing election. Masasabi nating natural na ang makita natin ang mga kandidato na abot-tenga ang ngiti, very friendly 'ika nga nang sa gayon ay marami silang makuhang simpatiya mula sa mga botante. Nandiyan 'yung halos lahat ng lamayan ay kanilang napupuntahan, laging may naka reserbang mga dyes-dyes, o beynte-beynte sa bulsa nila bilang pag anticipate sa mga makakasalubong sa kalye na bigla...

Read more: Pamantayan sa Pagpili ng mga Kandidato