Madrona o Fabella?

Written by Ressie S Fos | Romblon News

Photo on filePhoto on file

Nitong katapusan ng Enero ay kinuha na sa Regional Trial Court Branch 81 ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) ang mga balota noong nakaraang Election 2016, kaugnay ito sa election protest na inihain ni dating Calatrava Mayor at Congressional candidate noong nakaraang election na si Engr. Bong Fabella para magkaroon ng recount. Matatandaang 255 boto lamang ang lamang ni Mardona kay Fabella. 

Bakit nga ba hahantong ang kampo ni Fabella sa paghahain ng protesta upang muling ipabilang ang balota? Well, kahit pikit pa ang ating mga mata, hindi lang naman dahil sa kesyo maliit lang ang lamang ni Madrona, kundi ito ay dahil hindi kumbinsido ang kampo ni Fabella sa resulta ng election sa pagka congressman. Dahil kahit pa isa lang ang lamang ng boto kung pinapaniwalaan naman ang resulta ng election, naniniwala ako na hindi ito hahantong sa anumang protesta.

So saan kaya nag-ugat ang duda sa resulta ng election? Ito kaya ay dahil sa dayaan? Ito kaya ay dahil sa technical error sa election process tulad ng electronic transmission ng mga boto? 

Well, anupaman ang kahahantungan ng manual recount, ang resulta nito ay ka-klaro sa mga katanungan ng mga Romblomanons na, sino nga ba talaga ang totoong nanalo sa pagka Congressman ng Romblon? Si Madrona ba o si Fabella?

Marami nga rin ang mga nagsasabi na masyadong huli na ang recount dahil bago pa man ito maaaring matapos at magkaroon ng final decision ang HRET, ilang buwan na lamang ang natitira sa termino ng incumbent officials. Ganun pa man, para sa akin, hindi na mahalaga ang nalalabing termino, ang importante ay lumabas ang katotohanan. 

Kung lumabas na si Fabella pala ang totoong nanalo, ano kaya ang magiging epekto nito sa political career ng mga Madronas? May positibong epekto din ba kaya ito sa political career ni Fabella?

Malapit na pa naman ang election, kung sakali ngang matutuloy ang election.