Tips para sa mga bagong engineers na nais magtrabaho abroad

Written by Ressie S Fos | Romblon News

Once again, pinatunayan ng Romblon State University ang kalidad ng edukasyon nito lalong-lalo sa mga kursong engineering. Kahapon lamang ay lumabas ang result ng Board Examination for Civil Engineers at 18 ang mapalad ng pumasa, kung saan 12 ay mga bago, samantalang ang anim (6) ay repeater. Congratulations sa inyong lahat mga new civil engineers, at syempre sa Engineering Department ng RSU. 

Matapos na makamit ang inaasam na lisensya, ano nga ba ang susunod na nais tahakin o sundan ng mga bagong engineers? Of course, prospect of employment. Well, sabihin nating hindi naman zero ang employment opportunities ng mga engineers, in fact mataas pa rin ang demand. Maaaring sa public o private na mga kumpanya sa Pilipinas, o kaya maging entrepreneur kung may puhunan. 

Marami rin ang nais magtrabaho sa abroad, dahil nga naman sa mas malaki ang sweldo kapag ang isang engineer sa ibang bansa nagtrabaho. 

Bagamat totoo na malaki ang sweldo ng mga engineers sa abroad, pero ito ay depende una sa qualification at experiences ng engineer, at higit sa lahat sa kumpanyang papasukan nito. 

Dito sa Qatar halimbawa, ang isang engineer ay maaaring mag sweldo ng mula P80,000 hanggang P500,000 kada buwan, depende sa kumpanyang pinapasukan at level ng kwalipikasyon ng engineer. 

Narito ang mga tips na maaari kong ibigay sa mga bagong civil at iba pang engineers na nais magtrabaho sa ibang bansa. 

  1. Hindi uubra ang 'age doesnt matter'. Mas pipiliin ng employer ang nasa kalagitnaang edad, kesa naman sa sobrang bata o kaya nasa retirement age na, bagamat, hindi naman absolute ito. Kahit naman bagong graduate ay may chance pa ring makapasok, depende sa specialization at skills ng engineer at requirement ng kumpanya. Pero, bibihira ang bata pa na mai-assign sa mataas o senior position. 
  2. Experience is an advantage. Kadalasan, sa requirement pa lang para sa aplikante sa isang engineering position, sinasabi na kaagad ang required number of years of experience ng isang engineer lalong-lalo sa mga technical at senior positions. Halimbawa sa design, kailangang may experience ang aplikante, pero kung ang position halimbawa ay mas mababa tulad ng AutoCAD operator, maaaring matanggap kahit wala pang experience. 
  3. Pag-aralan at kabisaduhin ang mga engineering applications, tulad ng AutoCAD at iba pang computer programs. Computerized na halos lahat ngayon kahit sa design ang engineering industry. In fact, mataas ang demand ngayon sa mga marunong sa BIM (Building Informatio Modeling). 
  4. Pag-aralan ang Project Management. Sa construction industry sa abroad, kadalasan mas mataas ang sweldo ng mga nasa project management consultancy, kumpara dun sa mga employed ng mismong contractor. Ang sweldo halimbawa ng isang engineer na nasa project management consultancy ay nasa average na P350,000 kada buwan, ang sa contractor ay nasa P200,000 lamang sa parehong position, of course depende pa rin sa laki ng kumpanyang pinasukan.
  5. Explore other discipline. Ang isang engineer ay marami ang chance na maging trabaho sa abroad. Halimbawa, pede sya na site engineer, civil engineer, structural engineer, contracts engineer, quantity surveyor, planning engineer, quality assurance engineer, etc. Bawat discipline ay may kanya-kanyang skills at qualifications na required. Halimbawa, para maging planning engineer, dapat marunong sa popular planning software ng Primavera, para naman maging contracts engineer, dapat maalam sa mga proseso ng kontrata, claims, at mga international standards sa contracting.
  6. Learn other computer or office applications. Ito ay hindi maihihiwalay, basta ikaw ay nasa opisina, inaasahan ka na dapat marunong sa mga office applications tulad ng MS Word, MS Exel, MS PowerPoint, MS Outlook, etc. So far naman, mas popular pa rin ang Microsoft na software sa mga opisina kumpara sa Mac OS.
  7. Be good in technical writing and verbal communication. Plus factor ito, pero ika nga ay 'alas'. Kapag magaling ka sa technical writing, marami ka pa opportunity in addition sa pagiging engineer mo sa isang project. Kadalasan, hindi ka matatanggal lalo kung ramdam ng kumpanya nyo na kailangan nya ang iyong skills. 
  8. Prepare your professional CV. Gumawa ka ng Curriculum Vitae (CV) or Resume na maayos, highlighting your qualification, skills, and experiences. Marami naman makikita sa internet na format ng CV na professional ang itsura.
  9. Groom yourself. Kailangan mong ipakita at e project ang sarili mo na professional at desente lalo sa time ng interview hanggang sa ikaw ay ma hire. Ika nga, alisin mo ang iyong pagiging mahiyain. Impress your prospective boss sa interview pa lang. 
  10. Be online. Malaking bagay ang internet ngayong panahon. Isa ang LinkedIn sa lugar sa internet na maaari kang makapag apply sa trabaho. Kadalasan ang mga kumpaya rin ay may mga websites na may section para sa Career kung saan pwedeng mag-apply o mag submit ng CV ang isang aplikante. Marami ring mga recruitment websites ang available sa internet, kung saan pwede kayong mag signup at mag upload ng inyong CV. 
  11. Higit sa lahat, e pray mo kay God ang best work for you. Walang imposible sa prayer natin sa ating Diyos. Pray, ask, and it shall be given ayon sa kalooban Nya.

Sana po ay nakapag-bigay ito ng idea lalo sa mga professional na nais magtrabaho sa ibang bansa. Kung mayroon po kayong mga specific na tanong, maaari nyo pong e comment dito sa article.

Congratulations once again.