Romblon News Network, tuloy-tuloy ang serbisyo publiko

Written by Ressie S Fos | Romblon News

Matapos ang mahigit 3 taong online ang Romblon News Network (RNN) na sunod-sunod na nakatanggap ng gawad parangal para sa media sa buong MIMAROPA region, nananatiling namamayagpag ang RNN sa dami ng mga followers at bumibisita sa website nito araw-araw. Subok and RNN na patas, walang kinikilingan at pawang katotohanan lamang sa pagbabalita hindi lamang sa lokal, kundi maging sa mga regional at national news na importanteng malaman ng ating mga mamamayan. 

Romblon News Network Awstats, as of October 24, 2017Romblon News Network Awstats, as of October 24, 2017

As of today, base sa metrics ng RNN website, umaabot na sa halos 35 milyon ang total hits nito o may average hits na halos 3 milyon kada buwan, at mahigit 1 milyon naman ang unique visitors. Maituturing na mataas na ang metrics na ito, upang maging highly marketable ang RNN website sa aspeto ng online ads. 

Yun nga lang, ang RNN ay nananatiling 'service-oriented'at hindi for profit. Ganun pa man, dahil sa kinakailangang pundo para sa tuloy-tuloy na operasyon at maintenance ng RNN, malugod naman po naming tatanggapin ang inyo pong mga donasyon.  Maraming-maraming salamat mga Ka-RNN sa inyong suporta at tiwala. 

Para sa mga nais mag donate, e click ang PayPal button sa ibaba.