Cyber Bullying at Fake News, Kulturang Pamana sa Susunod na Henerasyon?

Written by Ressie S Fos | Romblon News

Image from www.gettingbalance.comImage from www.gettingbalance.comKung babalikan ko one year ago, ang dating sikat at trending sa internet ay ang investment scams. Ang modus ng mga investment scammers ay gumawa ng mga social media accounts tulad ng Facebook at Twiter, upang gamiting bintana ng kanilang gagawing panlalambat ng mga target na biktima. Kadalasan ang kanilang gagawin ay doon sa social media account nila ipapamayagpag ang pamaypay na pera na umano ay kita nila mula sa kanilang very lucrative umano na 'investment'.

Sa dami ng napanood kong presentation tungkol sa mga investment at MLM, halos iisa ang kanilang strategy. Una, ipaparealize sayo na nasasadlak ka sa isang sitwasyon na kulang na kulang para tustusan ang iyong mga pangarap sa buhay, sa gitna ng kasalukyan mong kita mula sa'yong trabaho. Pagkatapos, sabay introduce ng totoong pakay - ang kanilang produkto at estilo ng paglalako nito. Halatang nakatuon sa 'laki ng kita' sa loob lamang ng maiksing panahon' ang kanilang presentation.

Dahil dito, napakadali sila maka kumbinsi ng mga taong maniniwala sa kanila at magte-take ng risk para maglagak ng malaking halaga ng pera. At matapos nga nito, sa isang iglap ay maglalahong parang bola ang scammer, saka pa lamang matatanto nang biktima na scam lang pala ang lahat.

Ilang buwan bago magsimula ang campaign period para sa nakalipas na national and local elections, tila nabago ang ihip ng hangin. Ang dating trending na investment scams ay napalitan ng trending na mga hoaxes, memes, at iba pang cyber bullies laban sa mga kandidato.  Ang gagaling mag edit ng mga litrato at maging video. Napakabilis ang paraan ng pagpapakalat, segundo lang ang lilipas, dadakmain kaagad ng mga followers o subscribers ng mga social media accounts. 

Tuloy-tuloy ang mga cyberbullies and hoaxes na ito at lalo pang tumindi noong campaign period na mismo. Halos bawat oras may kumakalat na mga fake news at memes, iba't ibang porma, iba't ibang paraan ng pagpapakalat at paglakip ng estorya para mas maging kapani-paniwala.

Akala ko naman dati, hanggang election lang ito, at kusa na lang din itong maglalaho kapag tapos na. Mali pala ako, dahil hanggang sa ngayon ay tila mas lalo pa ata tumitindi ang cyber bullies at mga pagpapakalat ng mga fake information tulad ng mga fake news at hoaxes gamit ang mga satirical websites and blogs.

Tila isang makapangyarihang espiritu ang gumagalaw sa phenomenon na ito, kasi makikita mo kahit pa napaka professional at mataas ang pinag aralan na mga tao, kasama na ang mga kilala nating aktibo sa mga simbahan na sa ating pagkakaalam ay konserbatibo at maingat sa mga pagpapalaganap ng kasinungalingan ay hindi alintana ito, kundi nagiging kasangkapan din sa pagshare ng mga fake infos na naglalason sa kaisipan ng mga inosenteng mamamayan. 

Cyber bully is everywhere in the social media now sa hanay ng mga pinoy. Tila sa ngayon, napakadali na lang ang manira ng kapwa, gamit ang edited na picture, video o kaya fabricated stories.  Itong phenomenon na ito ay tila nagiging 'kultura' na ngayon na tanggap ng mga tao. Ito ang nakakatakot, isang banta sa paghubog sa magandang kaugalian ng mga mamamayan. Ito ba ang kultura na ating maipapamana sa ating mga kabataan at susunod na henerasyon?