Suspect sa pagpatay kay Vice Mayor Dy, pinaghahanap na

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Pinag-hahanap na ng pulisya sa Mindoro Oriental Police Provincial Office ang suspek sa pagpaslang kay Vice Mayor Jackson Dy ng Roxas, Oriental Mindoro nitong hapon ng September 22.

Sa natanggap na report ng Romblon News Network galing sa Mindoro Oriental Police Provincial Office, kinilala nila ang suspek na si Benjamin Buruange, alias Bangie, residente ng Barangay Bonbon, Roxas, Oriental Mindoro.

Nagsasagawa na umano ng manhunt operation ang mga kapulisan kasabay nito'y ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon para makilala ang isa pang suspek.

Ayon sa pulisya, si Buruange ang lalaking bumaril ng isang beses kay Vice Mayor Dy na naging dahilan ng...

Read more: Suspect sa pagpatay kay Vice Mayor Dy, pinaghahanap na

Number 9 MWP ng Pinamalayan MPS, arestado sa Batangas

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Arestado sa Barangay Halang, Taal, Batangas ang number nine most wanted person ng bayan ng Pinamalayan, Oriental Mindoro nitong hapon ng September 22, 2017.

Kinilala sa spot report na pinadala ni Police Chief Inspector Alvimar Flores sa Romblon News Network, ang suspek na si Leoncio Patulot Jr, 54 taong gulang, at isang Construction Worker.

Inaresto si Patulot sa kasong frustrated murder at sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court noong July 20, 2015.

Hawak na ngayon ng CIDG Batangas ang suspek at nakatakdang ibiyahe ng Pinamalayan sa susunod na araw para iharap sa korte.

Maaring...

Read more: Number 9 MWP ng Pinamalayan MPS, arestado sa Batangas

Vice Mayor ng Roxas, Oriental Mindoro, patay sa pamamaril

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Patay sa pamamaril kahapon ng hapon si Jackson Cinco Dy, kasalukuyang Vice Mayor ng bayan ng Roxas, Oriental Mindoro.

Dead on the spot si VM Dy matapos magtamo ng isang tama ng bala ng baril sa ulo na ginawa ng isang gunman.

Nangyari ang pamamaril bandang alas-4:30 ng hapon sa Barangay Dangay, Roxas, Oriental Mindoro.

Sa initial na imbestigasyon ng Roxas Municipal Police Station, nagpapalinis ng kotse si Dy nang lapitan sa at barilin sa likod ng isang hitman, agad na tumakas ang nasabing hitman sakay ng nag-aabang na rider sa labas car wash center.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya...

Read more: Vice Mayor ng Roxas, Oriental Mindoro, patay sa pamamaril

Earthquake Drill sa Huwebes, hindi muna tuloy

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Hindi muna tuloy sa darating na Huwebes, September 21, ang nakatakdang 3rd Quarter Nationwide Earthquake Drill na gaganapin sa MIMAROPA na binubuo ng mga probinsya ng Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang pagkansela sa nakatakdang Earthquake Drill ay dahil sa inanunsyo ni Pangulong Duterte na gawing National Day of Protest ang September 21.

Wala umanong pasok sa lahat ng pampublikong lugar at opisina ng gobyerno na kadalasang pinagdadausan ng mga drill.

Para rin umano ito masigurado na makakadalo ang lahat kung sakaling magkaroon man ng earthquake drill.

Sinabi ng NDRRMC...

Read more: Earthquake Drill sa Huwebes, hindi muna tuloy