November 21-22 is Special Non-Working Holiday in Romblon Province

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Inanunsyo ni Governor Eduardo Firmalo nitong Lunes ng hapon sa mga tauhan ng media na idideklara niyang Special Non-Working Holiday ang mga araw ng November 21 at 22 sa buong lalawigan ng Romblon para sa selebrasyon ng MIMAROPA Festival 2017.

Kasama sa mga walang pasok ang lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong Romblon, at mga kawani ng mga opisina ng gobyerno. Samantala, nasa private companies kung mag suspend rin sila ng pasok.

Ayon kay Governor Eduardo Firmalo, maglalabas sila ng Executive Order kaugnay sa nasabing suspension ng pasok at trabaho sa probinsya.

Ilan sa mga event sa ikalawa at ikatlong araw ng MIMAROPA Festival 2017 ay ang Ginoo and Binibining MIMAROPA Festival Float Parade Press Presentation, Tourism Night, MIMAROPA Festival Street Dance and Showdown Competition.