Romblon News Network joins Public Health 101 Seminar of DOH-MIMAROPA in Palawan

Written by Lyle Gepe Formilleza | Romblon News

by Lyle Formilleza, Romblon News | Tuesday, 15 March 2016

Nagsimula na ngayong araw ang dalawang-araw na health seminar ng Department of Health (DOH) – MIMAROPA (Oriental/Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) para sa mga media practitioners sa buong rehiyon kasama ang ilang national media reporters and correspondents.

Isa sa mga naimbetahan na dumalo ay ang Romblon News Network. Naimbetahan rin ang ilan pang local reporters mula sa Romblon Sun at Radyo Natin Looc.

Ang seminar ay may pinamagatang "Public Health 101" kung saan dito tatalakayin ang iba't ibang nakakahawa at hindi nakakahawang sakit, at ilang kaalaman kaugnay sa epidemiology.

“Health promotion is everybody’s responsibility and the role of media in influencing people's attitudes and behavior is very significant, especially in promoting positive health seeking behaviors and responses in the community on certain health issues that may affect everyone’s health and safety,” sinabi ni Regional Director Eduardo C. Janairo sa isang press statement.

“It is a must that our media partners have the proper knowledge to be able to report accurately on any health issues that may arise in the province as well as in the community”, dagdag pa niya.

Layunin ng seminar na mabigyan ng importansya ng bawat pahayagan ang tamang pagbabalita sa publiko lalo na sa mga health issues.

“Conveying precise health awareness through print, tv, radio and internet can broaden the public’s knowledge and contributes to their well-being such as encouraging everyone to practice healthy lifestyle through regular exercise and eating balance meal regularly,” pahayag pa ni Janairo.